Sumabak sa kanyang unang laban sa WrestleMania 34 si Ronda Rousey.
Nagkampihan sina Rousey at Olympic athlete Kurt Angle para bugbugin sina Stephanie McMahon at Triple H.
Hindi na nakagalaw si McMahon nang ma-armbar ni Rousey kaya’t nakuha ng huli at ng partner niyang si Kurt Angle ang panalo kontra Team Triple H.
Dahil dito, walang duda na kakayanin ng dating UFC star na makipagsabayan sa WWE at may ibubuga pa sa bakbakan sa ruweda.
Humamig naman ng mga papuri mula sa netizens ang naging performance ni Rousey.
Ryan Satin (@ryansatin): Ronda Rousey just proved she’s worth every penny WWE is paying her.
Ramsey Sidawi (@WWERamsey): OMG Rousey blew all my doubts away! She is a beast!! #WWE #RondaRousey #Rousey #WrestleMania34.
Riz (@johncenaAm): What a match, what a in-ring debut for @RondaRousey, what a WrestleMania Classic #WrestleMania.


